Ang Mahalin ang Tulad Mo

Nang una kitang makilala,
Ika’y nakagaanan na ng loob,
Naging malapit na kaibigan,
Ngiti at halakhak sa paglipas ng araw.

Masaya akong kapiling ka,
Tugtugin sa aking tenga ang iyong mga tawa,
At sa araw-araw na ika’y nakikita,
Wala nang hihilingin pa kung hindi ang ngumiti ka.

‘Di ko ‘man alam kung saan at kalian,
Basta ang alam ko mahal na kita,
Nagsimula man ito ng ‘di ko alam,
Masaya ako’t ikaw ang aking minahal.

Ngunit huli na ang lahat,
Nahanap mo na pala ang iyong mahal,
Ang taong kinakailangan ng puso mo,
Kaya pala ngayon ako’y nahihirapan.

Pinangungunahan nga lang ba ako ng takot?
Bakit hindi ko maamin sa’yo,
Maging sa iba,
Na ika’y minamahal ko na?

Nakakainggit s’ya, nasasabi n’ya sa lahat na mahal ka n’ya,
Ano nga ba ang laban ko?
Maging ang pagkakaibigan nati’y tila nawawala na,
Ano ang gagawin ko?

Ang nais ko lang naman ang mahalin mo rin ako,
Kahit na parang ako’y umaasa sa wala,
Nais kong maging masaya,
Sa piling mo mahal ko.

Ngunit sa tuwing makikita kita,
Nakangiti at masaya sa piling n’ya,
Kahit masakit, ako’y masaya,
Dahil para sa taong mahal ko, kaligayahan mo ang hangad ko.

Ngayon alam kong napakahirap,
‘Pagkat sa puso mo’y mayroon nang nagmamay-ari,
Ngunit alam ko hindi kaligayahan ko ang mahalaga,
‘Pagkat sa pagmamahal, pagsasakripisyo para sa’yo ang dapat.

Marahil hanggang dito na lang,
Marahil hanggang pag-asa na lamang,
‘Pagkat ang pagmamahal ng isang tulad mo,
Ay tulad ng paghihintay na dumilat at mabuhay ang isang sampung taon nang patay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s