Hindi Lahat Babasa Nito

hindi lahat babasa nito
pero marami ang nag-open dahil sa title ng blog ko.

hindi lahat ng tao mayaman
pero maraming mahirap.

hindi lahat ng kausap mo naiintindihan ka
pero marami d’yan ang nakikitawa na lang.

hindi lahat ng nakangiti masaya
pero marami d’yang nakangiti para mapasaya ka.

hindi lahat sila matalino
pero karamihan sadyang masisipag lang talaga.

hindi lahat ng tao sosyalin
pero karamihan sanay sa pagsisikap para mabuhay.

hindi lahat maganda ang boses
pero marami ang gustung gustong kumanta.

hindi lahat magaling mag-joke
pero karamihan tinatawanan ng iba.

hindi sa lahat ng pagkakataon malungkot ka
pero kadalasan masaya ka, ‘di mo lang talaga pansin.

hindi sa lahat ng oras nananalo ka
pero pwede mong sabihing, next time! kaya ko rin ‘yan!

hindi lahat marunong mag-finger position sa keyboard
pero marami ang nakakapag-type ng mabilis.

hindi lahat nakakakuha ng mataas sa test
pero marami na ang tumawag ng napakaraming santo para makapasa.

hindi lahat may tulog kagabi
pero karamihan d’yan tulog ngayon.

hindi lahat patay gutom
pero maraming marami ang taong may hilig kumain.

hindi lahat may boyfriend
pero karamihan pala broken hearted at takot na.

hindi lahat may girlfriend
pero marami rami rin ang may boyfriend. (yay! haha…)

hindi lahat halimaw ang pag-uugali
pero karamihan sa mga mababait nagiging halimaw kapag inabuso yung kabaitan.

hindi lahat naiintindihan ka
pero karamihan pinipilit na intindihan ka.

hindi lahat totoong kaibigan
pero talagang marami ang manggagamit lang.

hindi lahat magaling sa computer
pero karamihan may facebook account.

hindi lahat naaalala ka
pero may isa d’yang ikaw lang ang iniisip.

hindi lahat ng guro matino
pero (halos lahat) *ay* karamihan *pala* sila mahal ang kanilang estudyante.

hindi lahat kabisado ang lyrics ng isang kanta
pero marami na ang nakarinig dito.

hindi lahat marunong mangopya
pero marami rin naman kahit papaano ang marunong magpaturo.

hindi lahat marunong magpasalamat
pero marami ang mahilig manghingi!

hindi lahat marunong magbalik
pero marami ang mahilig manghiram!

hindi lahat nakakabasa
pero karamihan nakakapagsalita.

hindi lahat may telepono
pero marami ang may cellphone.

hindi lahat ng tao makakasaundo mo
pero ‘di mo lang napapansin, mas maraming oras ka pang ginugugol kasama s’ya kaysa sa kasundo mo.

hindi lahat ng pangalan ng kaklase mo kabisado mo
pero sigurado yung taong kinaiinisan mo alam mo ang pangalan.

hindi lahat sinipag basahin ‘to hanggang dulo
pero marami d’yan yung palaktaw laktaw at tumalon na lang sa huli.

hindi lahat magaling mag-drawing
pero maraming marunong gumawa ng stick man.

hindi lahat magaling sa history
pero marami ang magaling gumawa ng kwento.

hindi lahat magaling sa math
pero sa paghingi ng baon, magaling magretoke ng presyo.

hindi lahat ng kausap mo gising
pero mayroon d’yan tulog ang diwa.

hindi lahat ng tao kayang makibagay
pero marami ang feeling bagay.

hindi lahat ng tao kontrabida
pero marami rin ang mabait na kotrabida.

hindi lahat masayahin
pero marami ang gustong sumaya.

hindi lahat gwapo at pogi
pero mayroong nagsasabing maganda sila.

hindi lahat ng gwapo nakaka-in love
pero marami ang panget na nakakatuwa yung pag-uugali.

hindi lahat ng mayaman aminado
pero karamihan kuripot.

hindi lahat ng tao kuripot
pero may mga taong talagang walang maibigay.

hindi lahat ng lugar safe
pero marami ang tahimik na lugar na maraming kababalaghan.

hindi lahat ng maboka sa pagsasalita matalino
pero karamihan ng lumalabas sa bibig pasikat lang.

hindi lahat ng tao natawa sa sinulat ko
pero karamihan pinilit na basahin, at unawain ng mabuti ang mga sinabi ko, kasi lahat yan, siguradong may katotoohanan, try mo lang intindihin kung ano ang dahilan sa likod ng mga salitang iyan.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s