Poot Lamang ang Alay Sa’yo

Minsan nang nagtiwala,
Minsan nang nasaktan,
Natakot na ang puso ko,
Na magmahal muli para sa wala.

Ngunit sa ‘di malamang dahilan,
Ako’y muling umibig,
Puso ko’y iyo na,
Pangako mo’y aalagaan ito.

Ngunit ano ang iyong ginawa,
Kawalan lang ang ipinamulat,
Pinaniwalang ako’y mahal,
Ngunit ako’y niloko, iyon ang ginawa.

Sa araw-araw na ikaw ang mahal,
Araw-araw din ang pagdanas ng sakit,
Ako’y iyong binigo,
Inasahan ko’y ako ang mahal mo.

Ngunit ikaw ay nagmamahal lamang,
Para maging Masaya,
‘Di mo alam ang tunay na dahilan,
Bakit nagmamahal ang isang tao.

‘Di ko kailanman sasabihin sa’yo,
Kung ano ang totoong dahilan,
Nais ko’y magdusa ka,
Pagbayaran mo ang lahat ng sugat.

Mahal mo lang ako sa salita,
Ngunit kahit kailan ‘di ko ito nadama,
Ano ba ako para sa iyo?
Isang paslit na madaling mapaniwala!

Ako’y ‘di laruan!
Ako’y marunong makiramdam!
Kahit kalian ‘di mo ako naintindihan!
‘Yan ba ang pagmamahal na iyong nilalahad?

Pangako ko sa’yo,
Kahit kalian ‘di na kita mahal!
‘Pagkat simula ngayon,
Poot lamang ang alay sa’yo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s