Ayos Lang Kahit Hindi Ako

1
Mayaman, matangkad
Ito ang gusto mo,
Mahirap, maliit
Ito naman ako.

2
‘Di ba pwedeng mabait
At maintindihan na lang,
Bakit pisikal pa?
Bakit kayamanan pa?

3
‘Di ako ang dream girl mo
‘Di ikaw ang dream boy ko,
‘Di rin kasi tayo
Gano’n magkakilala.

4
Ika’y tuwang-tuwa
Habang nangungulit,
‘Pag nahuli kita
Tingin mo’y iiwas.

5
Kapag kumanta ka
Ako’y makikinig,
Kapag nagbiro ka
Ako nama’y tatawa.

6
Itong nadarama
‘Di maintindihan,
Ang kulit mo kasi
Nais kitang mahagtan.

7
Pero ano nga ba
Itong nadarama,
Masaya talaga
Kapag ika’y kasama.

8
Ayos lang kahit ‘di ako
Ang nais ng puso mo,
Bahala ka na kupido
Pumana ka ng maayos!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s