Sa Puso Mo

Sa puso mo, nais kong manahan
Ngunit iba ang gusto mong dumaan,
Ang puso ko’y ikaw ang nais tandaan
Ngayon ako tuloy nasasaktan.

Matagal na rin nang huli kong makita
Kasama mo pa noon ang irog mong sinta,
Nakasukob sa iisang payong
Masayang nakangiti habang nakasilong.

Pinakilala ako ng mga kaibigan natin
Dati raw ang mundo’y atin,
Parte raw ako ng iyong mga nakaraan
Nakaraang kailanma’y ‘di natuluyan.

Natawa na lang ako sa sinabi nila
Ako lang naman ang ilusyonada,
At sa puntong iyon alam ko na
Dapat nang imulat aking mga mata.

Alam kong nakapagpasya ka na
Ika’y ‘di akin, tanggap ko na,
Lumipas ang panahon, nabalitaan ko
Narinig ko, hiwalay na raw kayo.

Paghilom ng nakaraan ang nais mo
Alam ko, kaya ako naririto,
At ngayon, kahit anong gawin
Tanto ko, ika’y ‘di magiging akin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s