Ano na ba kasi?

Kababata ko s’ya, si Edmund, lagi kaming magkasama noon, magkalaro.  Hanggang sa may dumating na mga taga-Maynila, si Eric.  Nagkwento s’ya samin kung gaano kaganda doon at kalalaki ng mga gusali.  At unti-unti na ring nahulog ang loob ko sa kanya.  Bihira na lang kami makapag-usap ni Edmund, sa totoo lang, hindi ko na rin alam anong nangyari.

Bago bumalik si Eric ng Maynila, inaya n’ya kong sumama.  Syempre, opportunity na ‘to, kaya pumayag ako.  Bago kami umalis, may nagbalik bayan sa amin, si Anjee.

Pagdating ng Maynila, doon na nagsimula ang kalbaryo namin ni Eric.  Hindi na kami naging okay hanggang sa wala na, hindi na kami dapat pang magpatuloy.  Naghiwalay na kami ng landas kahit na bago lang ako sa Maynila.  Makalipas ang tatlong taon, nagkita kami uli ni Edmund, nasa Maynila na rin s’ya.

Ang sabi n’ya naging sila daw ni Anjee noon, pero walang ibang nakakaalam.  Pero nang umalis si Anjee, nawalan na rin sila ng komunikasyon.  Hindi nagtagal, nag-move on na rin sila pareho, no hard feelings.  

Simula nang magkita kami uli, lagi na kami uling magkausap.  Kinukwento n’ya sa’kin iyong kaklase n’ya na maganda at hottie ang dating.  Nung una okay naman sila, kaya lang ‘di nagtagal, sabi nung babae, ‘di pa raw s’ya handa.  Pero kinalabas-labasan, may boyfriend na palang iba. awts.

Pero ang sabi naman ni Edmund, mabuti na rin daw na ganoon.  Party girl daw kasi, mauubos ang pera n’ya.  Ako naman, natawa na lang.  Sa totoo lang, sa kabila ng pagkukwento n’ya tungkol sa love life n’ya, hindi n’ya alam may pinagdadaanan din akong one-sided love sa ibang tao.  At nang mawala iyong babaeng pinopormahan n’ya, kasabay namang nagkaroon ng girlfriend itong taong gusto ko.  Oha, pareho tuloy kaming loveless ni Edmund.  Pero ito ang catch, na-realize n’yang may gusto pala s’ya doon sa kabarkada n’ya, si Lina.

Kaya lang, itong si Lina, nagbibigay ng hints “daw” sa kanya na “barkada lang tayo”.  Ang ginawa naman nitong si Edmund, umiwas s’ya.  Nakailang ulit na’ko ng tanong kung bakit ba kasi kailangang umiwas, ‘di ko rin naman naintindihan ang kwento n’ya.

Pero sa tuwing magkikita kami, puro na lang si Lina ang pinag-uusapan namin.  Hanggang sa maramdaman kong parang may iba na sa amin.  Sobrang malapit na kami sa isa’t isa, minsan may akbay, minsan yakap na nga ata, kulang na lang ng isang braso.  Sobrang kumportable kami sa isa’t isa.  Kaya lang… tama bang maramdaman ko iyong ganito?

Isang araw, nagkaayaang mag-inuman.  Hindi naman ako umiinom pero ewan ko ba paano nila ako napilit, isang baso pa lang, tulog na’ko.

Pagkagising ko, umaga na, hindi ko na maalala anong nangyari.  Tinanong ko ang katabi ko, “anong araw na?”

“Setyember 16.  Tara na, magsiuwian na tayo.” sagot n’ya.

At nagsiuwian na nga kami, pero hindi ako inimik ni Edmund.

Kinabukasan, kinausap n’ya ko.

“Totoo ba iyong sinabi mo noong nalasing ka?” tanong n’ya.

“Ha?  Bakit, ano bang sabi ko?” naguguluhan ako, ano bang ginawa ko?

“Ang sabi mo gusto mo ko.”

“Weh?  Sinabi ko ‘yon?  Haha!”

“Seryoso ako, ano ba talagang nararamdaman mo?”  Napatulala ako ng husto sa sinabi n’ya, pero hindi takot ang naramdaman ko, na-blangko bigla ang utak ko.

Dahan-dahan akong umupo sa tabi n’ya.  Nag-indian sit pa nga ako, para nakaharap sa kanya.  “Ganito kasi ‘yan, gusto kita, ang catch, hindi ko sure.”

“Ha?” Naguluhan ata s’ya sa sagot ko.

“E kasi naman, alam mo naman siguro ang nangyari sa’kin, kita mong napakasawi ko sa pag-ibig!” sabay tingin n’ya sa’kin ng masama.  “Hayy, okay, alam kong walang konek, pero… ganito kasi ‘yan.  Una sa lahat, as much as possible, ayoko nang ako yung unang magkakagusto.  Lalo pa sa isang taong katulad mo na may gusto naman sa iba.  Pangalawa, alam ko namang hindi ka magkakagusto sa’kin, duh~ kita mo nga si Lina tsaka si Anjee, isama na rin natin iyong hottie na nagustuhan mo, lahat sila magaganda!  Matangkad pa!  O e ako?  Total opposite!  Tsaka isa pa, sabi ko nga sa’yo, ‘di naman ako sigurado, okay.  So ‘wag mo nang problemahin pa.  Kasi mahihilo ka lang kapag inisip mo, so kalimutan mo na, kasi ako nga mismo, hindi ko sinasabi sa’yo kasi ayoko na ring problemahin muna.  Kasi nga, ako mismo, undecided pa.”  Mabilis akong tumayo pagkasabi ko, “o sige, alis na ko.”

Hindi ko alam kung hinabol ba n’ya ko, basta tumakbo na’ko agad.  Bakit ko ba kasi sinabi ‘yon?  Dapat di na ko sumama noong inuman.  Nakakainis.

Simula noon hindi ko na s’ya kinausap, pero laking gulat ko na lang nang makita ko s’ya sa harap ng campus namin nang uwian ko na.

“Bakit nandito ka?” tanong ko.

“Mag-usap muna tayo.” sagot ni Edmund.

“Ano namang pag-uusapan natin?”

“Iyong sinabi mo.  Kailangan nating linawin iyong feelings mo.”

“Ano ba, pwede ba ha, tigilan mo na kakaisip mo n’yan.  Sige na, uuwi na’ko.”  Pero bigla n’yang hinawakan ang braso ko.

“Iniiwasan mo ba ‘ko?  Ano bang problema?”

“Hindi ba, iniiwasan mo rin noon si Lina?  Kung anong nararamdaman mo noon, ganoon din ang ginagawa ko ngayon.  Siguro naman hindi ko na kailangan pang magpaliwanag?  Tama na, please.  Tutal, undecided naman ako kung gusto ba talaga kita o hindi, hayaan mo nang mapunta ako sa isang conclusion… na hindi kita gusto.  So, hayaan mo na’ko, please.  Kasi alam ko namang wala kang kahit na 0.0000000001% na pagtingin e.  So please, ‘wag mo na ring gatungan ‘yung confusion ko.”  hindi ko alam kung bakit ba’ko nagkakaganito.  Bakit ba kasi?

Isang buwan na ang lumipas, hangga’t maaari, paiba-iba ako ng daan para lang maiwasan s’ya, at sa loob ng 30 araw, hindi kami nagkita at nagkausap.  Nang araw ng birthday n’ya, pinuntahan s’ya ni Lina para batiin.  Nagkausap sila.

“Oh, malungkot ka ata?” tanong ni Lina.

“Pwede mo ba ‘kong tulungan?” ani naman ni Edmund.

“Sige ba, ano ‘yon?”

“Ganito kasi ‘yan, mayroon akong kababatang babae, sobrang close kami na parang best friend ko na s’ya.  Lahat ng nagiging crush ko, nakukwento ko sa kanya, pati na yung taong gusto ko ngayon.  Kaya lang nalaman ko na may gusto rin pala s’ya sa’kin.  Ang problema, tuwing naiisip ko ‘yon, pakiramdam ko ang sama kong tao.  Kasi nagkukwento ako ng tungkol sa isang babae, samantalang may pagtingin pala s’ya sa’kin.”

“Sigurado ka ba naman kasing iba ang gusto mo at hindi s’ya?”

“Ha?… A…e…”

“Kita mo na.  Kung talagang gusto mo iyong taong sinasabi mo, paniguradong nasagot mo agad ang tanong ko.  Kaya lang, nag-alangan ka pa.  Alam mo, ganito lang ‘yan e… hindi ba’t sabi mo nagkukwento ka sa kanya ng tungkol sa crush mo?”

“Oo.”

“Dapat ang dahilan mo kung bakit ka nagkukwento ay dahil sa gusto mong mapag-usapan ang crush mo.  Pero, hindi kaya ang dahilan kung bakit gustung-gusto mong nagkukwento sa kanya, kasi gusto mo s’yang makausap?  At wala ka nang paki-alam kung anong pinaguusapan n’yo, basta s’ya ang kausap mo?”

“Ganoon ba ‘yon?”

“Baka naman may gusto ka na rin sa kanya.  Hindi mo lang alam.”

Nanlaki ang mga mata n’ya, sabay sabi ng “salamat Lina ah!”  sabay takbo palayo.

“Ah… walang anuman.” nabulong ni Lina.

Dali-daling tumakbo si Edmund papunta sa bahay namin, nagkakakatok s’ya ng malakas.  Nagmamadali akong bumaba ng hagdan ang nagbukas ng pinto.  Nakita ko s’ya, nakangiti sa harap ko na para bang tuwang-tuwa.

Pagkagising ko, umaga na, hindi ko na maalala anong nangyari.  Tinanong ko ang katabi ko, “anong araw na?”

“Setyember 16.  Tara na, magsiuwian na tayo.” sagot n’ya.

Nanlaki ang mga mata ko, nanginginig ang mga kamay ko.  Nagsiuwian na kami pero hindi ako inimik ni Edmund.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s