Kahapon Lang

Written by: Joanna Concon

Kahapon lang, kapiling ka
Kasama sa lungko’t ligaya
Kausap ka sa magdamag
Kasama ka sa paglayag

Kahawak pa ang ‘yong kamay
Habang ako’y ‘yong akay
Pero bakit ‘di ko madama
‘Yong yakap sa gabi’t umaga?

Chorus:
Ba’t kasi kailangang sumamo
Ng panghabambuhay na pangako
Ang sabi mo mahal kita
Pero ba’t ‘di ko madama?

Sabik sa iyong pagmamahal
Pero ako ba’y isang hangal
Naghihintay sa habampanahon
Sa pangakong ‘di na aahon

Kahapon lang, ika’y hagkan
Halik mo sa ilalim ng b’wan
Pero huli na ang lahat
Nilayo ang pag-ibig ng dagat

Hindi ka ba tapat nang aminin mo
Na ako ang kabiyak ng puso mo?
Hindi ka ba seryoso nang sabihin mo
Na mahal na mahal kita, ako’y sa’yo?

Chorus:
Ba’t kasi kailangang sumamo
Ng panghabambuhay na pangako
Ang sabi mo mahal kita
Pero ba’t ‘di ko madama?

Sabik sa iyong pagmamahal
Pero ako ba’y isang hangal
Naghihintay sa habampanahon
Sa pangakong ‘di na aahon

Inanod ka ‘man ng dagat
Mahal pa rin kitang tapat
Wagas ang ating pagmamahalan
Sa kabilang buhay ‘man kita hagkan

Chorus:
Hindi na kailangang sumamo
Ng panghabambuhay na pangako
Ang sabi mo mahal kita
Mahal na mahal din kita

Sabik sa iyong pagmamahal
Pero ako ba’y isang hangal
Naghihintay sa habampanahon
At iniwan mong kahapon

-end-

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s