Anghel sa Kalye

Bilanggo ng nakaraan
Pait na naranasan
Sa sugat ng kahapon
Kailan pa maghihilom?

Pag-iwas ng tadhana
Paglihis naman ng pana
Para sa pusong nasaktan
wala na bang karapatan?

Sa pagdaloy ng panahon
Sa paglisan ko sa kahon
Ikaw ang umalalay
‘Di iniwan sa paggabay.

Matang tulad ng bitwin
‘Di ko maalis ang tingin
Pagbagyo at pagkasira
Ito’y ‘di ko alintana.

Tanong ko’y ikaw na ba
Ang sagot sa aking kanta?
Ito nga ba’y kasiyahan?
Walang kasiguraduhan.

Ako ma’y nag-iingat
Damdami’y umaangat
Dahil sa maling akala
Damdamin ko’y nawala.

Nabulag sa kabaitan
Pagmamahal mo’y nasaan?
Puso mo’y ‘di matunton
Sa isang isla naroon.

Nananahang babae
Isang anghel sa kalye
Inosenteng pumukaw
Sa iyong pusong uhaw.

Ayoko lang masaktan
Ngunit ‘di mapigilan
O sinta, ako’y lilisan
Sa puso mong ‘di ko tangan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s