Humihiling sa Buwan

Mahinhing ihip ng hangin
Tulad ng iyong pagtingin
Sa dahan-dahan mong paglapit
Tangang ngiti’y hindi pilit.

Sa bawat hakbang ng ‘yong paa
Sa bawat pintig na ‘yong dala
Puso ko’y kumakabog
Aking dama ang hamog.

Mga salitang ipit
Dila ko’y pumilipit
Paa ko’y naninigas
Boses ko’y nagniningas.

Sa ilalim ng kumot
Ako’y nagpapaikot
Kunwaring nakaidlip
Habang s’ya ang kausap.

Sa totoo lang, ‘di ko alam
Ang tunay na dinaramdam
Humihiling sa buwan
Pighati sana’y pawiin.

Sa bawat tawa n’yo
Sa bawat ngiti mo
‘Di ko na alintana
Ang sakit na nadarama.

Bagama’t hinihiling ko
Ako sana ang kaharap mo
Mas mabuti na ang ganito
S’ya ang kausap mo.

‘Pagkat puso’y ‘di mapakali
‘Pag mata ko’y iyong nahuli
Nauutal, mata’y ‘di maibaling
Baka mainis ka lang rin.

‘Pagkat ‘di ko alam
Kung ano ang aking gagawin
Sa inyong dalawa
Ako’y walang magawa.

Panangga’y ‘di ko tangan
Kapag masayang nagmamahalan
Dalawang pinakamahalagang tao
Sa buong buhay ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s