College na Ako, Ano na?

College life please, challenges, depression whatsoever and how did you cope?  – http://ask.fm/janehanpoo

Apparently, someone asked this on my ask.fm, so I’m here to help.

When I was in elementary, I used to tell myself,

Kahit saan ako mag-high school okay lang.

Tapos nag-exam ako sa Manila Science High School… kaso hindi ako pumasa. aldkfjask;ldjflasjfdkajfaksjfdlaj!!! Ang sakit sa loob badtrip! buti na lang may automatic admission. Hilig ko na talagang magdrawing noong bata, si papa kasi magaling sa ganyan.  Paborito ko rin ang math.  Pagdating ko ng high school, mas na-inspire ako mag-drawing, kasi may drafting class kami.  Tapos sobrang saya ko kasi mga lalaki yung nag-e-excel sa subject na ‘to… plus ako. haha!

So noong kukuha na ako ng entrance exam, sabi ko, civil eng ang kukunin ko.  I want to build my own house.  Pero hanggang ngayon, hindi ko maintindihan bakit ARCHITECTURE ang sinulat kong first choice.  At wala kang makikitang engineering sa kahit anong application ko.  Gusto ko ring maging interior designer.  Nag-apply ako sa UP, UST, at PLM.  tapos since libre ang application sa La Salle, nag-apply na rin ako.

Nakakatawa, kasi pumasa ako sa lahat, maliban sa dream school ko… UP.  Next choice kasi namin is UST, kaso mahal doon.  Hindi namin kaya. Kaya sabi sa akin mag-accounting na lang ako, kahit papano afford namin yon.  Miraculously, dininig ng Panginoon ang tadhana ko.  One night, nagpunta yung ninong ko sa amin, saying na sasagutin na nila ng lolo ko yung tuition fee ko, makapag-arki lang ako.  Hagulgol to the max ako noong araw na ‘yon, tears of joy!

Heto na! College na ako, ano na?

First of all, mga bata, ibang iba na ang college sa high school.  ‘Yan ang itatak n’yo sa kukote n’yo.  Dahil seryoso ako.

Since hindi nga UST ang first choice ko dahil hindi namin afford, obviously, pera ang isa sa mga naging problema ko noon.  Grabe, sandamakmak ang rich kids sa UST.  Ang daming conyo (apparently nakakahawa po sila, sorry), may mga hindi rin marunong magtagalog.  Tapos ang alam lang nilang kainan noon ay mga fast food or resto. Don’t worry!  Don’t panic!! Be honest! Sabihin mo sa kanila kapag hindi mo afford yung kakainan n’yo. Kung kukutyain ka nila, better leave them.  Hindi sila worth na maging kaibigan. Dude, be practical!  ‘Wag mong ipagpilitan yung sarili mo sa taong hindi ka naman mapapabuti. #HugotMode

Chill ka lang, marami ka pang kaklase! Hindi lang sila! May mga tao d’yan na kahit mayaman, sa karinderya kumakain, kasi mura na, sulit pa!  Mas masayang kasama yung mga ganon.  May mga friends din ako noon na hilig manuod ng movie in between breaks na mahahaba. ubos pera. easy ka lang, sabihin mo na lang wala kang pera or mag-aaral ka or may kikitain ka na lang para wala nang tanong. Minsan hindi rin masamang mag-isa, kasi makakahanap ka pa ng ibang sasama sa’yo. #HugotUli

Wait, humahaba na yung sinasabi ko, puro pera lang yung binabanggit ko.  Honestly, mahirap naman kasi talaga mag-aral sa isang school na maraming mayaman at ikaw walang pera.  Pero don’t be pressured! PERA LANG ‘YAN! Maraming prof na akala mo kung sino kasi may pera sila.  Marami kang magiging kaklase na mayabang kasi may pera sila.  Sus, e kung mayaman pala sila, edi pagkakitaan mo!  Noong college ako, lahat ng pwedeng pagkakitaan ginawa ko.  Since mga tamad sila, gumagawa ako noon ng stickers para sa isang subject, tapos binibenta ko.  Nag-loading business din ako, nakakatawa kasi kung sino pa yung may pera, sila pa yung may utang.

Aaminin ko, mahirap din maghanap ng totoong kaibigan.  Most ng mga magiging kaklase mo, gagamitin ka lang, kasi masipag kang gumawa ng assignments, reliable ka sa pagpapaalala ng mga projects, alam mo kung anong room ang next subject n’yo, at mabait ka kasi.  Be careful!  Huwag na huwag mong ibibigay ang lahat ng mayroon ka sa kanila, kasi ‘yung iba, mga walang utang na loob.  Minsan kailangan mong magparinig na,

hayyy wala nanamang nakaka-appreciate sa akin.

Yung mga ganyang drama ba, tapos magugulat ka na lang kasi yung mga taong tinulungan mo, magpaparamdam sa’yo, ico-comfort ka.🙂 Pero let me remind you, ‘wag palagi!  Kasi ang pagtulong, hindi ka dapat nanghihingi ng kapalit.  Dapat maging masaya ka na sa simpleng thank you.

Alagaan mo rin ang grades mo.  Tip lang, kapag nakapag-DL ka, kahit 1 sem lang, lagay mo sa resume mo, magandang pang-akit ng employers ‘yon.🙂  Anyway, ang mga prof kasi, karamihan sa kanila, mga wala na yang pakialam after ka nilang maging estudyante.  For example, may prof ako noon na hindi nirecord yung finals namin. To the point na parang kami pa ang may utang na loob sa kanya kasi supposedly 5 ang grade namin, ginawa na lang n’yang 3 para lang pumasa kami.  Hinabol namin s’ya, nireklamo namin, ipinaglaban namin na hindi namin deserve yung 3.  Kaso wala e, napako ang pangako, nabwisit lang kami sa mga pinagsasabi n’ya sa’min.  Hanggang sa tinubuan na kami ng katamaran dahil alam naming wala ng pag-asang mabago pa yung tres na ‘yon.  Badtrip lang.  Pero kung kaya mo namang ipaglaban ‘yan, edi go ka lang!! Aja! Fight!

Nagkaproblema din ako sa mga kaklase kong puro asa na lang.  Badtrip kasi kung sino pa yung kaclose mo, s’ya pa yung iiwanan ka sa ere.  Ang sarap pumatay grabe.  Kaso kahit gaano ako kadaldal ngayon, introvert pa rin ako. haha! Kasi hindi ko sila ma-confront tungkol doon.  Hanggang sa maramdaman na lang nila, tapos sila na ang magtatanong, pero dahil ka-close ko nga sila, nagbago din sila.  Konting unawaan lang, oks na🙂

Syempre hindi rin mawawala ang problema sa love life.  Maraming temtasyon, maraming sira ulo, maraming paramdam lang, at maraming epal.  Just make sure not to give your virginity at this stage.  This is a serious advice.  Kahit gaano mo pa s’ya kamahal, please don’t. At kapag nakarinig ka ng mga ganitong kwento na gusto na nilang ibigay, lalo na kung galing sa kaibigan mo, pigilan mo s’ya!!! Save them! Pero kung nangyari na, utang na loob, ‘wag mo s’yang pandidirihan.  Sabi nga nila, maraming nagiging tanga sa pag-ibig.  Ibang level nga lang yung kanya… pero hindi mo s’ya kailangang i-outcast.

Naniniwala rin akong hindi lang architecture students ang may sleepless nights.  May mga courses din na hindi natutulog… kasi panggabi ang duty, kasi ang daming ipapasa, kasi may exam bukas, kasi wala lang, trip ko lang mag-fb hanggang madaling araw.  Pero don’t worry! Don’t give up!  Kaya mo ‘yan! Kasi after ng pasahan, nand’yan lang si kama, always open for you.🙂

At syempre, hinding hindi rin mawawala ang family problems.  Lalo pa, unti-unti mong mararamdaman na nawawala na yung support nila na dati mong natatanggap.  Wake up!  College ka na!  Ilang taon na lang, graduate ka na at magkakatrabaho ka na.  Pero don’t be mad!  Tinuturuan ka lang nilang maging independent.  Para naman kahit papa’no marunong ka nang tumayo sa sarili mong mga paa.  Mahal ka nila, ‘yan ang tatandaan mo.  At utang na loob, HUWAG NA HUWAG KANG MAGPAPAKAMATAY!  Please!  Hindi solusyon ang pagpapakamatay, it’s just an excuse to escape reality.  Hindi ibibigay ang ganyang klaseng problema sa iyo ng Panginoon kung alam N’yang hindi mo kaya.  Patunayang mong KAYA MO!

To make the long story short, just be yourself.  May mga bagay na makakaapekto sa’yo, to the point na magbabago ka for the better or worse.  But make sure to keep your eyes open, and if you think you’re starting to do bad things, or your studies are failing, change!!  Kasi ikaw lang ang makakapagligtas sa sarili mo.  May mga tutulong sa’yo, pero kung dededmahin mo sila, wala rin.  Make sure to be open for suggestions, hindi na uso ang pikon, learn to listen, learn to understand.  And don’t forget to pray to God.  He’ll guide you anytime, anywhere, 24/7.

So good luck… sa’yo na mag-co-college pa lang, sa’yo na college na, at sa’yo na nagbabalak pa kung magpapatuloy pa ng college o hindi.  Susi ang edukasyon sa maraming bagay.  At ‘pag dating ng araw, mauunawaan mo rin kung bakit.🙂

Well, sana nakatulong po ako sa’yo anonymous person. Good luck!!😀

P.S. Huwag umasa sa prof, hindi lahat may matututunan ka.  Matutong mag-aral mag-isa. Seryoso ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s