Guy Best Friend

Since wala akong maisip na blog entry at the moment, kaso gusto ko talaga mag-blog, sabi ng best friend ko, magdedicate na lang daw ako ng isang entry para sa kanya. So here we go~ hahaha!! (I doubt it kung mahanap mo ‘to, if ever, congrats😀 haha)

Note: Magpatugtog ka nga ng medyo nakakaiyak na songs, para naman kahit medyo comedy ‘tong entry na ‘to, madrama naman yung background music mo. haha!

Game!

Ang pangalan po ng aking guy best friend ay Bon Jovi, yah, yung singer. HAHA! de joke. pero seryoso, yun nga yung pangalan n’ya.  Tapos kapag kinukwento ko s’ya sa mga kaklase ko, ang tawag nila sa kanya “gift” hahaha! Kasi Regala yung apelyido. HAHAHA!

Okay, let’s start, haha! Nakilala ko ‘tong lokong ‘to noong first year high school.  Magkaklase kami, at the same time, seatmates sila nung isa sa mga girl best friends ko.  Tapos uso noon ang araw-araw unli para katext mo yung mga kaklase mong hindi mo talaga ka-close sa room.  Apparently, isa s’ya sa mga katext ko noon, pero hindi pa kami ganoon ka-close.  Basta alam ko lang, kapag lumalapit ako sa upuan nung best friend kong babae dahil malapit sa upuan n’ya yung crush ko, haha, nandoon din s’ya, tapos nakiki-asar.

Naging kaklase ko na lang s’ya ulit noong 4th year hs na.  Doon, naging ka-close ko s’ya, as in literal.  Though hindi na ata n’ya maalala, haha! So hindi ko na rin babanggitin. Haha! Anyway, ayun, so ka-close ko nga s’ya, tapos pinagselosan s’ya noong kasabay ko umuwi, hanggang sa umamin ‘yon, tapos may aminang nangyari, and so on.  Kaso bwisit yon, ‘di ko masabihan ng problema kasi nagagalit s’ya kapag umiiyak ako, though alam ko namang partly kasalanan ko, pero errr, ako na yung umiyak s’ya pa galit? Haha! Anyway, ayun, kaya naghanap ako ng pwedeng mapagkwentuhan na iba, isa si Bon sa mga nahagilap ko.  And I’m very much grateful for that.  Though pinagselosan uli kasi s’ya so ewan ko na.  haha!  On the process ako ng paglimot ng mga nangyari noon e, haha!  Anyway, haha! Graduate na kami, at broken hearted ako, as in, badtrip.

Tapos nanaginip ako.  May reunion daw kami ng mga hs friends ko, specifically yung mga kaklase ko noong 4th year. Tapos nakita ko yung mga ka-close ko, nag-hi sila.  Then nakita ko yung bwisit kong aljsdfklaksjdlfjasjf, tapos badtrip, ‘di n’ya ko pinansin, as in!!! Sobrang, wth?!  Tapos bigla kong nakita si Bon, niyakap n’ya ko.  Nagulat ko, pero iba yung pakiramdam, ang init, parang hindi ako nananaginip, pero dahil sa ginawa n’ya, imbis na mag-breakdown ako, kumalma yung pakiramdam ko.

At dahil doon, sinubukan ko s’yang itext.  Magkaibang school na kami noong college, tapos walang communication.  Triny ko lang, baka magreply. Nalimutan ko na kung anong tinext ko, nag-hi lang ata ako.  Tapos walang sumagot.  Maya-maya nagulat ako, may nag-text, ibang number!!  Yun pala nakitext s’ya!  Hahaha!  Nahiya daw kasi s’yang hindi magreply kaya nakitext s’ya.  At simula noon, nakakausap ko na s’ya uli.  Nakakatawa kasi kung kailan hindi na kami magkaklase, saka kami naging close. And take note! Hindi pa kami mag-best friend ng mga panahong ito. Hahaha!

Sa sobrang saya ko dahil sa iilan lang talaga yung mga hs friends ko na nakakausap ko pa hanggang ngayon, at nakakapag-meet-up pa rin, nakukwento ko s’ya sa mga kaklase ko noong college.  Tapos nang-aasar sila, to the point na kapag katext ko s’ya, sila pa yung nangunguha ng cellphone ko para magrereply sila ng something sweet. Hahaha!! Tapos sasabihin ko rin naman sa kanya na hindi ako yung nagtext no’n, kasi ayokong maging sinungaling sa kanya, haha!  Kaso the funny part is, uulitin ko rin naman yung pinagsasabi ng mga kaklase ko.  HAHAHA!

Noong minsan, broken hearted s’ya, tapos di ko nasagot yung tawag n’ya kasi may klase ako.  Tapos nagalit s’ya.  E nabadtrip ako kasi ba’t s’ya magagalit, kasalanan ko ba? Haha!  So ang nangyari s’ya yung nag-sorry.  Akala ko FO (Friendship Over) na kami noon e, buti hindi.

Minsan nag-o-overload yung sweetness namin sa isa’t isa.  Tapos biglang hindi na kami mag-uusap uli ng mga isa o dalawang buwan.  Hahaha! Na noon hindi ako sanay, ngayon sanay na sanay na.  Hahaha!  Kaya kapag nakakausap ko s’ya uli, miss na miss ko s’ya.  Parang yung dalawang best friend ko lang na babae.  Sobrang bihira ko lang makausap, tapos thrice a year ko lang makita, so sobrang miss na miss namin ang isa’t isa, hihi. Ewan ko lang dito kay Bon kung na-miss n’ya ko. Hahaha!

Clingy din s’ya, ‘di ko lang alam kung alam n’yang alam ko na gano’n s’ya. Haha! Sabi ko sa kanya, maliban sa family, dalawa lang silang guy na clingy ako, isa yung kabarkada ko, at s’ya yung isa pa.  Kaso ayaw n’yang maniwala.  Haha!

May nakausap akong friend n’ya, tapos nang-aasar, tinanong pa ‘ko kung crush ko daw ba si guy best friend.  Kaso ‘di ko nasagot, hahaha! Tinawanan ko lang ata.  Mga chicks kasi ang type n’yan e.  Haha!  Tsaka alam ko tinanong ko na dati kung anong mga type n’ya, ni isa ata hindi ako pumasok sa qualifications n’ya.  HAHAHA!  Besides, nagagalit din s’ya sa’kin kasi daw ‘di ako maka-move on sa past heartache ko.  Haha, sorry naman po.  Malay ko ba kasing may malalaman akong bago? HAHAHA! Pero I’m still thankful kasi nand’yan ka para sa’kin.  Minsan nakakalimutan ko na ngang lalaki ka, kasi minsan yung mga kinukwento ko lang sa dalawang best friend kong babae, nakukwento ko na rin sa’yo.  Haha!  Pati yung mga biglaang gwapo na makikita ko binabalita ko pa sa’yo.  haha! Na supposedly, sa girls ko lang dapat kinukwento.  Ewan ko kung naiinis ka na.  Pero kung naiinis ka na, sabihin mo lang.  Hahaha!

‘Di ko na rin maalala ano yung exact date kung kailan kami naging magbest friend.  Ang alam ko lang, after ko nang grumaduate ‘yon.  Feeling ko this April lang ata?  Basta mga gano’n.  Haha!  Biro mo, after 9 years nating magkakilala, saka pa lang kita naging best friend?  Medyo ang slow natin ano. Haha!  Pero masaya rin palang magkaroon ng guy best friend. May instant ka-date kahit na hindi talaga s’ya marunong mag-aya ng date sa’kin, ewan ko lang sa mga girlalu n’ya noon, haha!

So ngayon, nurse na s’ya, at ako, sinisikap na maging arkitekto, at kahit na once in a blue moon na lang s’ya magpa-load, buti na lang, unlicall sa globe yung landline nila, isang text ko lang, tatawag na s’ya.  HAHA! At mabuti na rin lang madalas din s’yang online ngayon, at nakaka-usap ko s’yang madalas.  Though minsan nakakaloka, kasi minsan nakatitig lang ako sa pangalan n’ya sa side bar, ‘di kasi s’ya nag-p-pm.  Tapos ako gusto ko s’yang kausapin, kaso wala akong maisip na topic. hahaha!  Minsan kinakalabasan, puro kalokohan lang napag-uusapan namin, pero masaya.  Nakakatawa pa kasi minsan mag-e-emote ako, maiinis ako kunwari, kaso walang nanunuyo kaloka!  hahaha! e ako naman, alam kong wa epek na, edi kakausapin ko na, tapos wala na, tawanan na lang uli, kaloka.  Masisiraan ako ng bait sa isang ‘to, haha!

Dearest best friend, thank you for everything.  Alam kong tapos na ang birthday mo, at ang korni ng last date natin kasi hindi ako makapagdecide ng pwedeng gawin after kumain, tapos kung kailan na-excite ka na ng husto sa paglalaro sa timezone, saka naman ubos na yung load natin.  Hahaha! Post-birthday gift ko na lang ‘to sa’yo, isang blog entry para sa pinakamamahal kong best friend na may sayad sa utak. hahaha!!! Alam kong dapat busy ka ngayon sa dami ng gastusin mo at dapat gawin in preparation for your career, pero nagagawa mo pa ring makipaglokohan sa’kin, haha! So thank you very much!  ‘Wag ka mag-alala, sa birthday ko, ililibre na talaga kita, haha!  Kasi sa lahat ng dates natin, ikaw lagi nanlilibre, haha!  Good luck sa career mo, God bless!  Balitaan mo ‘ko sa mangyayari sa buhay mo ah!!! Marami akong load pang-text sa globe, text mo lang ako, o kaya pm mo lang ako sa fb.  Haha! o kaya tawagan mo na lang ako, basta wala akong meeting, masasagot kita. Ayan na ah! Ginawan na kita ng blog entry! hahaha!! Hindi naman kita pinagtripan! hahaha! nagkwento lang naman ako😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s