Requested Topic: Ba’t Wala Ka pang Boyfriend

Apparently, whenever I feel bored these days, I try to ask my friends for any random topic that I could use for my blog.  And this anonymous person asks why I still don’t have a boyfriend… with matching smiley face.

Requested Topic

 

Well, for people out there who would like to request for another topic, please just leave it here – I don’t bite, click here.

So, let’s start.

Ba’t wala pa rin akong boyfriend.  Una sa lahat, NBSB po ang babaeng ito.

Noong nag-aaral pa kasi ako, may agreement kami ng lolo ko at ng ninong ko, na bawal muna ang boyfriend hangga’t nag-aaral.  Since sila ang nagpapaaral sa’kin noon, sinunod ko.  Actually, even before they paid for my college tuition fee, high school pa lang ako, hinihiritan na nila akong ‘wag munang mag-bo-boyfriend.  Though hindi naman namin napag-uusapan yun nila mama, obviously, istrikto sila, pero since wala namang problema sa’kin yung gano’ng set-up, kaya sinunod ko na rin.

Kasooooooooooo, noong 4th year high school, muntik ko nang i-break yung promise na ‘yon for one guy that I loved so much, to the point of neglecting my studies.  ‘Cause it’s true, love is blind.  At karamahin (hindi ‘man lahat) nagiging tanga sa pag-ibig.  Kamuntik-muntik ko nang sagutin yung lokong ‘yon, but I resisted.  Kasi nga, I don’t want to ruin my relationship with my family.  Kaso eventually, akala nilang LAHAT, nagka-boyfriend ako, nawalan sila ng tiwala, maski aminin ‘man nila o hindi, ramdam mo naman ‘yon, na nawalan talaga sila ng tiwala.  Kahit na hindi ko naman talaga sinagot yung guy.  At hanggang ngayon, yung iba sa mga family members namin, (mother side) naririnig ko pa ring kumakantsaw ng may secret boyfriend daw ako.  Nakakatamad nang i-defend yung sarili ko.  Tumatawa na lang ako ng malakas sabay sabi ng, “buti pa s’ya alam n’ya, ako nga hindi.”  Kasi kung magkaka-boyfriend ‘man ako, ba’t ko naman itatago ‘di ba?  I want it legal!

Anyway, ayun na nga, nagkandaloko-loko noon, tapos heartbreak kahit na hindi naging kami, kasi s’yempre, mahal mo yung tao, kaso badtrip, ang gulo, s’ya lang masaya, ayun, pinatigil ko na kahit gusto ko pa rin s’ya, kasi alam kong mali na.  ‘Di rin n’ya ako hinabol, badtrip.  So ayun, may trust issues tuloy ako ngayon.

Apparently, sabi ng guy best friend ko, hindi daw ako makamove on, ang tagal na kasi, more than 5 years na.  Kasi naman, ako yung naghahabol para maging okay kami, kasi ayoko yung may dinadala akong galit, so every now and then nakikipag-ayos ako (friendly terms), kaso nababadtrip lang ako tuwing kausap ko s’ya.  So it took me about 4 years ata bago maging okay.  Kaso recently, nalaman ko sa kanyang ‘di pala n’ya talaga ako hinabol nung nagtago ako, so nabadtrip uli ako.  Though sabi ko sa kanya nakapag-move on na’ko.  Hayy buhay, ‘yaan mo na, wala na rin naman akong mapapala dun e.  Haha!  Anyway, ayun, so siguro isa rin sa mga dahilan is kasi hindi pa daw ako nakakamove on.  About moving on… you can just read my previous blog, “Moving On” para ma-gets n’yo yung perspective ko about that.

So, sigurado may magtatanong, bawal ka pala magboyfriend nung nag-aaral ka pa, e graduate ka naman na ngayon, ba’t wala pa rin?  E kasi po, puro confessions lang naman ang nangyari noong college, wala namang nag-attempt manligaw, so hanggang ngayon wala pa ring nanliligaw, hahaha.  Tapos puro babae naman yung malapit sa age ko na kasama ko parati sa office.  At the same time, though naging kaopisina ko rin ngayon yung kaklase ko nung college, hindi na s’ya counted.

Ano pa?  Uhh… kasi wala akong social life noon, puro tawanan lang within the 4 corners of the classroom, kapag may group meeting, puro school related.  ‘Di naman ako malakwatsa noon.  So ngayong graduate na’ko, I try to mingle with my friends, go on meet-ups basta hindi inuman.  Sorry, pero hindi n’yo talaga ako maaaya sa mga inuman.

Ayy, may naalala pa nga pala ako, haha!  Ang dami ko kasing pimples noon.  Hindi ko alam kung related yun sa pwede kong isagot sa tanong.  Haha!  Kasi may pimples din naman ako noong 4th year high school, tapos dalawa yung nanligaw sakin.  Haha.  Tapos ngayong wala na’kong pimples, wala na ring manliligaw.  HAHAHAHA! chos lang.

Tsaka, may nagsabi rin sa’kin noon, na tingin daw ng iba is masyadong mataas yung standards ko.  Nakakatawa kasi hindi naman nila ako kinikilala bago nila sabihin yun.  Nakakatawa pa, minsan may manliligaw na, magkaklase kayo noon, tapos hindi naman kayo close, tapos biglang sasabihin na nanliligaw s’ya.  Ang laging pumapasok sa isip ko kapag gano’n, ba’t ka ba nanliligaw?  ‘Di ba dapat kasi para magkagusto ako sa’yo?  Hindi yung nanliligaw ka para ligawan din yung sarili mong magkagusto sa’kin, in short, nanliligaw ka para makilala ako kasi hindi mo talaga ako kilala.  Parang weird lang, actually, weird nga.  Kasi naman, manliligaw ka kasi mahal mo ang isang tao, hindi naman kasi gusto mo s’yang makilala, at kapag “ayy, hindi ko pala s’ya type” i-di-ditch mo na lang s’ya.  Para sa’kin ‘di ba dapat kinikilala mo muna bago ka manligaw?  May mga ganyan kasi, sorry.

Anyway, back to my standards… ganito lang naman ‘yan, may trust issues nga kasi ako, so definitely, you have to prove na seryoso ka.  Tapos ganito lang naman ang tanong ko…

1.) Nag-aaral pa?

If yes, syempre anong year, baka ang bata mo sa’kin, my gulay, patay tayo n’yan. pero kung malapit sa age ko, good luck sa studies mo~🙂

If no, proceed to number 2.

2.) Graduate na ng college?

If yes, proceed to number 3.

If no, proceed to number 4.

3.) May trabaho na?

If yes, sige, good luck sa’yo.

If none, proceed to number 5.

4.) May pinag-aaral?

If yes, sige, magpakabusy ka muna sa pinag-aaral mo.

If none, proceed to number 5.

5.) Nag-iipon ng pang-aral sa sarili?

If yes, sige, good luck muna sa pag-iipon mo, mag-aral kang mabuti ah!

If no, proceed to number 6.

6.) E anong ginagawa mo?  Tambay?  Anong kahihinatnan natin n’yan?  Sarili mo nga hindi mo maasikaso e.

 

Reasonable naman ‘yung mga tanong ko ‘di ba?  Tapos meron d’yan makulit pa ring magsasabi na ang hirap abutin ng standards mo, e kung hindi mo talaga makuha yung logic ng mga tanong ko, edi bahala ka, haha, wala namang pumipilit sa’yo.  Nahiya naman ako, ikaw na nga ang inisip ko baka may kailangan ka pang asikasuhing iba, ikaw pa galit, hahaha, bahala ka na sa buhay mo.  Haha!

Anyway, sabi nila mataray daw ako, isa pa sigurong dahilan yun.  Aminado naman ako doon, sa mga hindi ko kakilala talaga =)) defense mechanism ko na ata ‘yon, lalo pa maliit lang ako, ayokong binu-bully ako ng mga bwisit na tao, haha, kaya ayun.  Chos.  Anyway, ang dami ko nang nasabi, ang pinakadahilan lang naman kasi talaga is… wala pa kasing nanliligaw uli at the moment.  Parang nagdala ka ng laptop sa isang outing, tapos tinanong ka nila ba’t ‘di ka mag-charge, e kasi nalimutan mo yung charger kaya hindi mo ‘yun magawa.  Ayaw ko naman manghiram ng charger, utang na loob, ayoko ng 2nd choice, ayoko rin ng mang-aagaw mode.  Haha!

Ang haba na ng nasabi ko, puro wala namang katuturan, haha!  So sana nasagot ko nang maayos ang tanong mo anonymous person.  Congrats dahil ginanahan kang magbasa hanggang dito sa huli.  Haha!

2 thoughts on “Requested Topic: Ba’t Wala Ka pang Boyfriend

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s