Mahirap Maghanap ng Trabaho. SERIOUSLY.

Hi sa lahat ng sa wakas naka-graduate na at welcome to the unemployed life.  Maswerte yung ibang tao na pinapayagang magbulakbol ng halos isang taon bago maghanap ng trabaho.  Pero sa mga kagaya kong araw-araw pinariringgan “maghanap ka na ng trabaho!” agad-agad pagkatapos ng graduation day… maghanap na kayo ng trabaho.  Haha!  Dahil hindi sila titigil sa pangungulit kung hindi tayo magsisipag magkatrabaho.

So ‘eto tayo, mag-wa-walk-in sa kung saan-saang firms and companies.  May mga mang-i-snob… tipong ang ganda pa ng ngiti sa’yo nung receptionist, tapos hindi ka pala nila co-contact-in.  May iba namang firms na bigla bigla, kaaabot mo lang ng resume, interview na agad!  Tapos yung boss agad yung kausap mo, tapos sasabihan ka pa ng “hindi ako impressed.”  Run for your life!  Kung hindi ka pa ‘man din tanggap ay ganyan na, for sure mas matindi pa kapag empleyado ka na.  If you think na hindi ka magiging masaya d’yan, ‘wag mo nang ituoy.  Save yourself.

Sa sunud-sunod na araw na paglalakwatsa n’yo ng mga kaibigan n’yo… este sa sunud-sunod na araw pala ng pag-ja-job hunt n’yong magbabarkada… heto kayo, nakatunganga pa rin sa bahay.  Kasi walang nag-aaya ng interview.  E ano kung walang nangungulit?  Edi ikaw ang mangulit!  May mga kakilala akong tumatawag pa sa offices para lang i-confirm kung nareceive nila yung resume nila at kung possible bang mabigyan sila ng interview.  Saludo ako sa inyo.

Minsan maswerte ka kung may mag-invite sa’yo ng interview.  Make sure na pupunta ka ng interview na prepared ka!  Magaling kang mambola at mag-english!  ‘Wag n’yo kong gagayahin!  Tipong nagpakaseryoso ako sa thesis ko, hindi ko na na-practice yung english ko, nagmadali akong maghanap ng trabaho, so pagdating ng interview, nag-i-english yung boss, nagtatagalog ako.  Fail.  Pero kung maganda naman ang laman ng resume mo.  Aba, maswerte ka at baka tanggapin ka.  Lalo pa kung stylish ang resume mo… dagdag points!  Kaso pa’no kung kagaya kitang hindi naman tinuruang gumawa ng resume at kinopya ko lang yung lumang resume ng nanay ko?  Ayun, ang plain ng resume ko.  Kaya lang ako natanggap sa 2nd work ko kasi galing ako ng Science High School at kahit papa’no nagawa kong mag-DL sa mga napakapiling semesters ng college life ko.  Maliban d’on… wala na ata akong maipagmamalaki.  Ay!  May isa pa ata… may OJT experience ako.

So hindi porket natanggap ka na sa trabaho ay wala ka nang problema?  Pa’no kung yung boss mo pala ay puno ng galit sa mundo na tipong araw-araw ay ipapahiya ka sa harap ng mga empleyado?  Paano kung ang liit pala ng sweldo mo?  Tipong hindi iyon yung pinag-usapan n’yo sa interview pero halos kalahati lang ang binibigay?  Sabi ko nga kanina… kung hindi ka masaya sa trabaho mo, ‘wag mo nang ituloy.  Pero make sure to consider these first… kaya ka ba aalis kasi mababa ang sweldo?  E baka kasi wala ka pang experience, ‘wag mong isiping ang galing galing mo na at kailangan ka nang mabayaran ng milyon.  Kaya ka ba aalis kasi may mga sira ulo kang kaopisinang hindi mo mapakisamahan?  Kahit saan ka mapunta, may ganyan, trust me.  Kaya ka ba aalis kasi hindi mo makasundo yung boss mo?  Baka yung lilipatan mo ganyan din.  Kaya ka ba aalis kasi magulo yung admin n’yo?  Most talaga magulo, maswerte ka na kung may makakasundo kang terms ng admin.  Pero kung sobrang dami na ng dahilan para umalis ka at halos yung good points mo para mag-stay ay sobrang natabunan na… parang sa pag-ibig lang… ay umalis ka na.  PEROOO!!  Bago ka umalis, maghanap ka muna ng lilipatan!!  Aba, mahirap maghanap ng trabaho!  Kita mo ngang nahirapan ka maghanap noong una e, lalo na ngayong lilipat ka.

Pagdating naman sa paglipat, syempre, bago ka lumipat, magre-resign ka muna sa una mong trabaho.  How to make a resignation letter?  Go ask google.  And please lang, kahit na ano pa man ang dahilan kung bakit ka lilipat, as much as possible magpaalam ka ng maayos.  Kasi malay mo someday ma-meet mo uli yung mga taong tinakasan mo ‘di ba?  Unless tingin mo magreretire na silang lahat at wala nang pag-asa pang magkita kayo, at mukha namang wala silang habol sa’yo dahil wala ka namang kontrata sa kanila at mukha namang wala rin silang pake kung aalis ka at mukha rin namang hindi ka nila sisiraan sa iba dahil wala nga silang pake sa’yo… magpaalam ka pa rin ng maayos.  Haha!  Send your resignation letter.  Kung ayaw mo na silang makaharap, at least send your resignation.

So heto na, nagbabalak ka na ngang lumipat, kaso pa’no?  Or hanggang ngayon wala ka pa ring trabaho… anong gagawin mo?  Hindi lang naman walk-in ang pwede mong gawin para makakuha ng trabaho.  Maghanap ka sa mga jobstreet, or iba pang website na pwedeng mag-offer sa’yo ng mga advertisements ng mga companies.  Kung gusto mo, gamitin mo ‘yung dyaryo n’yong nakatambak sa bahay na ayaw mong basahin.  Marami doon.

Eventually makakahanap ka rin n’yan for sure.  Kung hindi, isa lang ibig sabihin n’ya… hindi ka malas… tamad ka lang talaga.  Or kung masipag ka namang maghanap, itanong mo sa sarili mo, baka naman kulang ka sa diskarte… or kulang pa yung effort na ginagawa mo.  Kasi for sure, hindi ka malas.

Ano naman nang kahaharapin mo kapag eto na, nakalipat ka na?  Sigurado ka bang mas magiging masaya ka dito?  Tingin mo ba mas marami kang matututunan?  O mas matindi sa una?  Apparently, hindi lahat ng expectations mo masusunod.  Minsan akala mo okay ka na… pagkalipas ng apat na buwan… hindi pala.  Nakakalungkot lang isipin na akala mo finally na-meet mo na yung right job for you.  Parang sa pag-ibig… akala mo na-meet mo na si mr. right… yun pala… pinaasa ka lang.  Pero dahil sa naging mabait naman sila sa’yo… at dahil sa gusto mo rin namang magpasalamat sa experiences na natutunan mo… hindi ka rin makaalis agad agad.  So eventually, sobrang heartbreaking nito.  Kasi gusto mo nang makaalis, kaso nahihirapan yung kunsensya mo.  Lalo pa kung iniisip mong mahihirapan din sila kung mawawala ka.  Pero hindi ka na masaya!  Hindi na rin beneficial sa’yo ang magpaka-overworked at underpaid.  Nakakalungkot ding isipin na akala mo talaga magtatagal ka rito na tipong aabutin ka ng napakaraming taon… kaso… hindi rin pala.

Kung ikaw ay yung tipo ng taong nakahanap na ng magandang trabaho… may magandang sweldo… hindi hectic ang working schedule… masayang environment… mabait na boss… at friendly workmates… well… ang swerte mo.  Magpasalamat ka sa D’yos at nagkaroon ka ng ganyang klase ng trabaho.  Dahil ikaw ay nabibilang sa one in a million.

At para naman sa mga katulad kong sawi pagdating sa pag-ibig… ay este sa trabaho pala, haha!  Though hindi naman totally sawi… medyo hindi lang nakuntento sa kung anong mayroon ngayon… hinga na lang tayo ng malalim.  ‘Wag tayong mawawalan ng pag-asa.  Mahahanap din natin ang ating love of our life!  Este yung firm pala na magiging pamilya na natin.  Haha!  ‘Wag tayong makakalimot na magdasal at manghingi ng tulong sa Panginoon… dahil aminin n’yo man o hindi… S’ya lang ang best solution sa lahat ng problema.

So keep smiling everyone!  Don’t lose hope!  Darating din ‘yan.  Hindi ‘man ngayon pero hindi rin tayo dapat tumigil na lang.  Kailangan nating mag-ipon ng experiences para pagdating ng dream job natin… magaling na tayo… at pwede na nila tayong ipagmalaki.

2 thoughts on “Mahirap Maghanap ng Trabaho. SERIOUSLY.

  1. Thank you, ako 1 and half year na walang trabaho, ilan na rin interview ko(mga 10x) at naiiyak na ko kasi parang wala na kong silbi sa mundo, matatanda na magulang ko, hiyang-hiya na ko kasi walang silbi diploma at ulti mo pamasahe nanghihingi parin ako panghanap ng trabaho. Thank you sa advice po at shared stories mo, hirap pala pagnakatapos ka na at mga batchmates mo nagliliparan ikaw hanap parin.

    1. Thank you kasi na-appreciate mo yung random stories ko at advice. Haha! Anyway, good luck sa paghahanap mo ng trabaho. Always remember na mag-pray kay God. And if you ever need help or iba pang mga advice, if I can share some of my experiences, I’ll be glad to share it with you. Just leave a comment here, I’ll be sure to make a blog for you.🙂 you can also leave a topic sa ask.fm ko. http://ask.fm/janehanpoo😀

      Another thing is… kung hindi ka makahanap sa ngayon ng trabaho na related sa course mo… try looking for a different job… something na you’re good at kahit na hindi ka doon graduate… na may opening ang company nila.🙂 Good luck!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s