Chocolate Flavored Kiss, the making

I’m truly very sorry reviewers!!!  Nawili kasi akong magsulat, sorry.  Haha!  Supposedly, short story lang s’ya, pero shocks!  ‘Di ko akalaing magiging novel din s’ya.  Malapit na n’yang abutin yung haba ng Dalawang Mundo ng Tao.  Haha!  Well… here’s the prologue for starters.  I’m gonna post this on wattpad after I finish the whole story on my notebook… or kapag trip ko na.  Haha!

CFK concept

Chocolate Flavored Kiss

Prologue First Kiss

Chocolates, candies, cakes… hindi lang naman sa food nahahanap ang sweetness.  Mayroon din nito sa love… at kagaya sa mga pagkain, kung may sweet… paniguradong may bitter din.

Hi!  I’m Genesis Anne Magbanua, 19 years old, turning 3rd year college this coming school year.  For the meantime, sinusulit ko muna ang summer ko kasama ang mga kaibigan.  Since nasa Amerika si Mama, walang dahilan para mag-stay sa bahay.

“Genesis!” sigaw ng isang babae mula sa sala.  Ang lakas ng boses n’ya para marinig ko s’ya mula sa nag-aaway na tunog ng patak ng ulat at soundtrip ng mga kasama ko.

“Mukhang pumasok na ang bagyo…” bulong ko, “sana saglit lang ‘to para masulit ko ang summer.”

“Genesis!” sigaw pa n’yang uli.

“Oo na, ‘eto na!” sigaw ko pabalik habang pinipilit na buksan ang isang pakete ng chocolate powder sa mug ko.  “Hoy Genesis!  Ano ba?!” nagsisisigaw na s’ya lalo.

“Tsk.” Hindi ko mabuksan kaya ipinasok ko na lang ang pakete sa mug at iniwan sa mesa.  Dali-dali akong pumasok sa sala na auditorium na puno ng mga balloons at unan.

“Dito ka Genesis!” sigaw pa n’ya habang nakaupo sa nakalatag na kama sa gitna ng sala.  Dahan-dahan ko s’yang nilapitan, “lasing ka na Ate Tin-” nang bigla n’ya kong hatakin at yakapin.  Nahiga na s’ya at tulog na.  Hindi ako makagalaw, hindi ako makawala habang nagtatawanan na ang iba.  Hindi na ako makabangon kaya natulog na rin lang ako.

Nangibabaw ang pagod sa katawan ko kasabay ng singaw ng amoy ng alak.  Pero may isang naiiba… amoy ng isang… tsokolate.

Dahan-dahan s’yang lumapit sa’kin at dumampi ang mga labi n’ya sa mga labi ko.  Tulad ng ibang pagkain, pwedeng matamis ito o kaya mapakla… pero ang kakaunting segundong hinalikan n’ya ko… tanging ang matamis na tsokolate lang ang natikman ko.

Hindi ko alam kung panaginip lang ba ito… o totoo na.  I just hope when I wake up… all the bitterness will fade and only the sweetness remain.

*to be continued*🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s