I Love You Best Friend?

This would be a perfect chance for you to listen to this song while reading this blog entry.🙂

masama bang ma fall sa bestfriend?

Apparently, this is the question I got on ask.fm and before I decided to answer the query… I needed an intense research.  Chos.  Haha!  Because to be honest, I’m not an expert with this.  Anyway, let’s start with… ano ba talaga ang best friend?
Well, si best friend lang naman kasi yung pinagsasabihan mo ng mga nakakahiyang sikreto mo sa buhay.  Alam n’ya yung mga ka-demonyohang naisip mo tungkol sa ibang tao.  Knowledgeable din s’ya sa mga kalokohan mo at marami pang bagay tungkol sa’yo.  S’ya lang naman yung tipo ng taong kilala ng parents mo na pwede mong i-date nang wala nang kailangang itanong kasi okay lang sa kanilang s’ya ang kasama mo.
Best friends tend to know about your past relationships, mga kalandiang naramdaman mo para sa ibang tao at ang mga masasakit na heartbreak na utang na loob kulang na lang iuntog ka na n’ya sa pader para lang makalimutan mo yung sakit… kaya lang hindi n’ya ginawa kasi alam n’yang bukol lang naman ang aabutin mo sa tigas ba naman ng ulo mo.
Having a best friend from the opposite sex is a gift itself.  You tend to respect the other more because of him/her.  You would be able to explore kung paano ba tumakbo ang utak ng ibang tao.  Pero kagaya nga ng problema ng mga sinaunang tao at pelikula, paano na kapag na-in love ka na kay beloved best friend, ano na?
The worst part of falling in love with best friend is losing him/her badly.  It’s hard to find someone like that person na you’d be able to call as best friend… pero dahil lang sa na-in love kayo sa isa’t isa, nawala na rin ang magandang relationship na meron kayo dati.  But keep in mind, na every time naman na maiinlove ka, talaga naman kasing at risk ang relationship mo with your other half.  Only a few people can revert back to being friends from being lovers.  Minsan, you just end up being strangers with a pinch of painful memory.
There were a lot of reasons kung bakit hindi ka dapat ma-in love kay best friend.  Actually, ito talaga yung topic sa radyo noong minsan.  If you fall in love with that person, paano na?  Sino nang pagkukwentuhan mo ng mga kilig moments n’yo?  Sino nang pagsasabihan mo ng mga problema n’yo?  Like what I said earlier, you risk your best friend relationship.
Minsan kasi, akala rin lang natin na in love tayo… pero ang totoo, fling thing lang pala.  Don’t risk your relationship just because you were attracted to the physical appearance.  What if may mga vices din s’yang hindi mo gusto.  If you pursue with your romantic ideals, are you sure you won’t be irritated to the things na ginagawa n’ya? You’ve also seen him/her in a relationship with other people… matatagalan mo ba s’ya kung maging kayo ‘man?
When falling in love with your best friend, you needed to be patient.  You have to assess if he/she has the same feelings for you.  Hang out, have fun, do activities together.  And always be a shoulder to cry on.  Be someone he/she can depend on, tutal, ‘yon naman ang trabaho ng isang best friend.  Make sure na makita n’ya yung efforts mo.  Malay mo ma-consider n’ya yung traits mo as a boyfriend/girlfriend material.
Pero syempre, sa lahat ng advices na nakita ko, they always end up with this very distinct warning… be ready to be rejected.  Wow ah, pagkatapos ng lahat!  D’on din lang pala ang tuloy?!  Haha!  Kainis ‘no?  Don’t worry, don’t take it harshly.  This is just for the aftermath of having a sour response from your best friend.
Eventually kasi, sa aminan din naman matutuloy ‘yan.  Kapag hindi ka umamin at hindi s’ya umamin, e’di parang nireject mo na rin ang sarili mo sa kanya.  So you just have to move on and accept the fact that you’ve preferred to be friends than to be lovers.
Kapag naman umamin ka at umamin din s’ya, e’di happy!
But what if you confessed… but then you got rejected?  That’s when you have to be composed.  Make sure to tell your best friend na it’s okay.  But you just needed to breathe some air so you have to go.  And then RUN!  Get away from him/her!  Go to your pillow and cry!  Damn it!  Don’t let the pain stain your friendly relationship.  Let all the pain out!  If he/she is truly your best friend, he/she will understand that maybe you needed some space just to sort out your feelings.  Just cry it out, breathe!  Don’t keep a single hatred/pain in your heart.  The next thing you knew, you’re back again to your friendly terms.  Sabi nga doon sa nabasa ko… go ask him/her out!  Have a fun lakwatsa.  And then after that be gone!  Hayaan mong s’ya yung mag-aya ng next lakad.
So, to cut the long story short and to finally answer the question… masama bang ma-fall sa best friend… the answer is no.  Masarap ma-in love.  Lalo kung sa best friend.  Hindi naman puro drawback ang makukuha mo kapag na-fall ka kay bff.  It would definitely be fun.  Syempre, you’d get to enjoy everyday of your life with your best friend and lover.  He/she knows what you want.  He/she gets to finish your sentence even before you did.  You get to enjoy the little things like pissing your other half because they hated carrots so you secretly placed a lot on their food.  At syempre, dahil nga mag-best friend kayo… may mga kakilala kayong boto sa inyong dalawa, secretly.  Haha!  Matutupad n’yo pa yung favorite love team nila.
So kung mauwi ‘man ang istorya n’yo sa aminan na rejection… then just let it be.  Get back up and wipe your tears.  Accept the fact na you’re only friends e.  Then move on.  Kung mauwi naman kayo sa kasalan sa simbahan, e’di happy happy!  Haha!  Eventually, pwede mong mabalik-balikan ‘yung ganitong yugto sa buhay mo na minsan na-in love ka kay best friend.  Tapos matatawa ka na lang kasi shet… oo, na-in love ka kay best friend.
Or maybe piliin mong ‘wag umamin ngayon… and then one day magising ka na lang na wala na yung feelings mo… you can choose whether not to tell or you can still tell na you’ve once had feelings for him/her.  Tapos tatawanan n’yo na lang na, weh?  Talaga?  Crush din kita noon e.  Haha!  Chos.
Pero whatever happens, just make sure to smile and keep moving forward.  Best friends are supposed to help each other reach the brighter side of the island, not to keep you in the dark.  So as a best friend, make sure to make him/her happy with whatever decision he/she makes.  So as for now, pat your shoulder and give yourself a very encouraging good luck.  Trust me… you need that.  So good luck!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s