Para sa mainit na summer

Ate anong pwede ngayong bakasyon Haha.

I was really planning to answer this question shortly… unfortunately, ang daming pumasok sa isip ko, haha!  So here are the few gags my mind thought about late at night.😀

*bumili ng halu-halo, kaso mag-ingat, mainit sa labas.

*mag-aral para sa next pasukan, kaso mag-ingat, uso ang nakakalimot pagdating ng first day.

*maghanap ng summer job, kaso mag-ingat, yung kikitain mo baka ipamasahe mo na lang parati sa tricycle para hindi ka mainitan sa pagpasok. (ang mahal kaya mag tric)

*matulog magdamag sa bahay, kaso mag-ingat, mabubungangaan ka ni nanay, palamon na nakaharang pa sa paglilinisan. haha

*maglaro ng computer games, kaso mag-ingat, mainit na nga, magbubukas ka pa ng kuryente, lalong iinit.

*magmarathon ng movies/anime/live series, kaso mag-ingat, baka hindi kayanin ng tv/laptop/pc n’yo yung init.

*maglinis ng bahay dahil alam kong ang kalat ng gamit mo noong pasukan, kaso mag-ingat, matinding kalaban ang katamaran.

*manood ng movies sa mall, kaso mag-ingat, traffic, maraming road repair.

*gumawa ng homemade cake, kaso may ingredients ka ba? e kung bibili ka pa sa labas edi mainit din.

*tumapat sa electric fan or magbukas ng aircon magdamag, kaso tingnan natin kung hindi ka masermonan. hindi naman ikaw ang nagbabayad ng kuryente n’yo eh.

*magbasa ng novels/books/wattpad/blog.

*magswimming! kaso kung ayaw mong mangitim malaking problema yan.

*magtravel, kaso mainit nga at traffic!

*bumisita sa museums.

*maglaro ng outdoor activities, kaso mag-ingat sa heatstroke.

*magbabad sa shower, kaso tag-init na nga, nanunuyo na ang mga tubig, inaaksaya mo pa, mahiya ka naman.

*magsulat ng journal/diary/blog entry/story.

*makipagkwentuhan sa mga tao sa bahay n’yo, baka masyado ka nang busy noong nakaraan at wala kang time sa kanila, now is the time!

*makipagkamustahan sa mga long lost friends!

*maglakwatsa, kaso ayun nga, mainit at traffic.

*bumili ng ice cream, kaso mainit lumabas ng bahay.

*magbukas ng mga photoalbum n’yo sa bahay.

*do something creative like an artcraft or a scrapbook.

*magprepare para sa Mothers’ Day.

*manuod ng laban ni Pacquiao.

at kung may naisip ka pa, go lang. I-enjoy mo ang summer mo, minsan lang dumating ang summer VACATION.  Dahil kapag grumaduate ka na, hihilingin mong sana estudyante ka na lang uli, okay lang na may assignments, may 2 months summer vacation naman, Christmas break, sem break at sandamakmak na holidays at class suspensions. haha!  Enjoy~😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s