Para Ito Sa’yo

Para ‘to sa masasaya nating alaala
Sa hindi malilimutang yakap mo at tawa,
Ang kadena ng kahapon ay wala na
‘Pagkat ikaw ang nais nang makasama.
Bagay sana tayo, sabi nating dalawa
Kulang na lang sabihin nating, “mahal kita.”
Para ‘to sa masasaya nating alaala
Patago kong inakap sa ilalim ng kama.

Para ito sa hiniram nating sandali
Sa ilalim ng buwan, matamis mong ngiti,
At kahit ang pintig ng puso nati’y nasawi
Sa piling ng isa’t isa, tayo’y nakauwi.
Dahil nang lumuha pa’y iwinaksi mo ang pait
Nalunod sa pighati pero umahon sa sakit,
Para ito sa hiniram nating sandali
Na akala kong hindi agad mawawaglit.

Para ito sa tayo na lamang sana,
Pero mas pinili nating ‘wag umasa,
Ang sugat ng kahapo’y unti-unti nang nawala
Pero ang takot na masaktan, lumisa’y hindi pa.
Kaya heto ka ngayon, lumayo sa ligaya
Ako nama’y tumalikod sa abot kamay na,
Para ito sa’yo, sa tayo sana
Pero hindi pala pwedeng magsama.

-janehanpoo

p.s. naging makatang muli dahil sa panunuod ng On the Wings of Love. Salamat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s