Pero Sabi Mo

Ang sabi nila
Masamang impluwensya ka,
Pero ang sabi mo
Mabuti ako para sa’yo.

Hindi naging madali
Ang makasama ka sa bawat sandali,
Pero naniwala ako sa’yo
Dahil ang sabi mo, mahal mo ‘ko.

Mahal kita, alam mo ‘yon
Kaya kahit mahirap, kinaya ko ‘yon,
Kasi akala ko, magkasama tayong lulusong
Pero ako na lang pala ang naiwan roon.

Masyado kang masaya
Nalunod sa akalang mabubuhat ko ang tayong dalawa.
Hindi mo ba nakita
Nalulunod na rin ako sa mga luha?

Kinailangan kong umalis
Nasaktan ako nang labis,
Pinalipas ang mahigit sa anim na taon
Nagkunwaring nawala na ang sugat ng kahapon.

Kaya ang tanong nila
“Bakit hanggang ngayon,
Sa haba ng panahon,
Hindi ka pa rin ba naka-move on?”

Hindi nila maintindihan
Ikaw, mahal kita e
Kahit na ika’y salbahe
Minahal talaga kita e.

Ang sabi nila
Kapag mahal ka, babalikan ka,
Kaya bumalik ako
Kasi gusto kong magkaayos kahit pa’pano.

Tama ba ang ginawa ko?
Bumalik ako, pero sabi mo,
“Ayokong maghabol,
Sa taong ayaw namang magpahabol.”

Put*ng ina mo,
Ang lapit lang ng bahay ko sa inyo,
Ako pa ang ayaw magpahabol, g*go!
Hindi ka lang nag-effort, t*r*nt*do!

Sa bawat sakit na binigay mo
Sa akin ang pait at galit ng puso,
Isinusumpa ko simula sa araw na ito
Ayoko na! Mabusog ka sana sa pagmamahal mo sa sarili mo!

-janehanpoo

3 thoughts on “Pero Sabi Mo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s