Ligaw na Hustisya

Para sa mga malalakas ang sikmura
Walang awang pumapatay ng pangarap
Mga mata at tenga n’yo ba’y nakasara?
Nilugmok ang bayang ito sa paghihirap.

 

Nasaan ang puso, nalimutan na nga ba?
Nasaan ang pighati, bakit nawawala?
Nasaan ang hustisya, bilanggo na rin ba?
Ibinaon na sa limot, maging ang awa.

 

Bakit ang sakit, sa bayan lang nadarama?
Saan ang patunay na may lider pa tayo?
Ang kasaganahan pa ba’y makakasama
O sadyang ‘di na matatapos itong bagyo.

 

Gobyerno o taumbayan, sinong naligaw
Ng landas na tinahak, saan ba patungo?
Sinong dapat matauhan, ako o ikaw?
Ating pag-asa, saan ba mahahango?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s