Hindi na Dapat

Siguro nga, ito’y kasalanan ko
Sapagkat ipinagtabuyan kita.

Pero kasalanan din ba ang masaktan
Dahil sa pangakong hindi mo natupad?
Kasalanan bang malugmok
‘Pagkat hindi ka nanuyo?

Kung gan’on, patawad sa kahangalan ko
Dahil hanggang ngayon, naghihintay ako
Patawad sa kahibangan ko
‘Pagkat akala ko pwede pa tayong maayos.

Kung ika’y talagang lumisan na
Paki usap, ‘wag ka nang babalik
Dahil siguradong hindi ko kakayanin
Kung magpapakabaliw nanaman ako para sa’yo.

Ngunit kung ika’y babalik
Patunayan mong karapatdapat kang yakapin
At paki bilisan lamang
‘Pagkat ilang hakbang na lang
Susukuan na kita.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s