Nakasanayan

Mahigit sampung ulit ko nang pinag-iisipan Kung bakit parang may kulang Malungkot sa pakiramdam Pero wala namang dapat na dahilan. Minsan naitatanong ko sa sarili Bakit kasi hinayaan kong masanay Masanay sa saya, sa tuwa, sa kwentuhan Sa presensya... kahit na alam kong balang araw mawawala rin. Savor the moment ba? Ngayon, masaya ka ba? …

Advertisements

Kailan Natapos? 

Hindi nagsimula, pero natapos Hanggang dito na lang ang agos, Kay tagal kong nakagapos Pag-ibig ko'y 'di na bubuhos. Paano nga ba magiging tayo Kung 'di naman natin gustong lumayo Mula sa pagkakaibigan tungo sa pagsuyo, Pananabik sa'yo'y tuluyan nang humayo. Kailan nga ba natapos ang pag-iisip Na baka sakaling sa huli maiba ang ihip, …

Ligaw na Hustisya

Para sa mga malalakas ang sikmura Walang awang pumapatay ng pangarap Mga mata at tenga n'yo ba'y nakasara? Nilugmok ang bayang ito sa paghihirap.   Nasaan ang puso, nalimutan na nga ba? Nasaan ang pighati, bakit nawawala? Nasaan ang hustisya, bilanggo na rin ba? Ibinaon na sa limot, maging ang awa.   Bakit ang sakit, …

Pero Sabi Mo

Ang sabi nila Masamang impluwensya ka, Pero ang sabi mo Mabuti ako para sa'yo. Hindi naging madali Ang makasama ka sa bawat sandali, Pero naniwala ako sa'yo Dahil ang sabi mo, mahal mo 'ko. Mahal kita, alam mo 'yon Kaya kahit mahirap, kinaya ko 'yon, Kasi akala ko, magkasama tayong lulusong Pero ako na lang …

A Gift for an Architect

Ate, ano pwedeng iregalo sa isang Architect student? Yung useful para sa kanya 🙂 Para sa isang Architect student... hmm... you don't have to give him/her anything related sa course n'ya, something personal like a slambook or compilation of messages would be awesome! pero kung gusto mo talagang magbigay ng something na magagamit n'ya sa …

Para sa mainit na summer

Ate anong pwede ngayong bakasyon Haha. I was really planning to answer this question shortly... unfortunately, ang daming pumasok sa isip ko, haha!  So here are the few gags my mind thought about late at night. 😀 *bumili ng halu-halo, kaso mag-ingat, mainit sa labas. *mag-aral para sa next pasukan, kaso mag-ingat, uso ang nakakalimot …

Nililipad ng Hangin

Nagsimula ang lahat sa kwentuhanDinagdagan pa ng tawananNgunit bakit ganito ang nangyari sa atinTila ba tayo'y nilipad ng hangin.May mga sikretongHindi pwedeng sabihin sa ibaNgunit pwedeng ipagkatiwalaSa kaibigan.Ngunit may mga bagayNa hindi mo masabi sa kaibiganSa napakaraming dahilanHanggang sa dumating ang puntoNa hindi ka na lang magsasalita.Ano na bang nangyariNaubos na ba natin ang mga …

Bakit pa?

bakit ka pa mag-aaral magluto,kung may nagluluto naman para sayo?pero kung hindi ka matututo,baka balang araw magutom ka.bakit mo pa kailangan ng sariling bahay,kung may magpapatira naman sa'yo ng libre?pero kung hindi ka maghahanap,baka balang araw wala ka nang matirhan.bakit mo pa kailangang magsalita,kung natatakot ka namang makasakit ng tao?pero kung hindi ka magpaparamdam,parang hindi …

Saan Ka Nakakita?

Kung saan-saan mo makikitaSa iba't ibang panig ng mundoIsa lang ang siguradoTayo ay PilipinoPaggising sa umagaWala pang araw ay bumangon naSinalubong pa ng mahabang listahanNg utang at problemaBakit ganitoAng hirap ng buhayNgunit para sa mga mahal sa buhayNarito, lumalaban para sa'yoSaan ka nakakitaLubog na nga sa problemaNagagawa pa ring tumawaSaan ka nakatagpoNasalanta na ng bagyoKumakaway …